Monday, May 10, 2010

Kahapon, ngayon at bukas
—mahal pa rin kita

By willie jose


Kung nakaya ko na kita’y limutin
bakit sa pangarap – ikaw’t ikaw pa rin


Kung ‘di na kita mahal, bakit sa isip
sabik pa rin -- ikaw ay makapiling

Ito’y kahibangan at kabaliwan
Kan’iyaw lagi ng mga kaibigan.

Ngunit para sa aking sarili,
Ito’y pag-ibig, tunay na nangyari


Sa udyok nila, ika’y nagpadala,
Inisip ‘di tayo sa isa‘t isa

Sayang na pag-ibig na inilaan,
Hirap ko, ‘di man pinahalagahan

Bago ihimlay sa huling hantungan
tanging biling ko —mahal kitang tunay

Sa maikling pahanon’g nagkasama
Aking madama -- tunay na pagsinta

Sa ngayo’t iba na ang ’yon sinisinta
Tayo sana ay muling magkita

Pagkikitang muli’y aking ligaya
Kahapon, ngayon at bukas—mahal pa rin kita